Ms. Rica,
Magandang araw. Nakakahiya man aminin, hindi kalakihan ang aking ari. Pero gusto kong magsimulang magpractice ng safe sex with my girlfriend. Naka pills kasi sya ngayon pero mukhang hindi siya komportable dito. Kaya naiisip kong magcondom. Pero natatakot akong baka mamaya ay dahil hindi nga kalakihan si “jun-jun” ay baka naman mahugot o mahubad ang condom at maging dahilan pa ng mas maraming problema. Salamat in advance sa advice.
Bullet Day
Magandang araw din sa’yo, Bullet Day!
Kudos sa’yo sa pagpapractice ng safer sex using condoms. Makatutulong ito para maiwasan ang pagkalat ng STIs and HPVs. Maganda din na kinoconsider mo ang well being ng iyong girlfriend at kung anong makakabuti sa kanya. Meron talagang instances na hindi hiyang ang mga babae sa oral pills used for contraception.
Iba’t ibang hugis at size ang mga tao at kasama na dito ang penis nila. To be frank and straight, kung maliit ang ari, may chance na magfail ang condom at dumulas at maalis ito. Ang mga condom ay dapat fit at walang sobrang material o maluwag sa pakiramdam. Sa ating market, Asian sizes tayo na usually walang masyadong variations with sizes. Subukan mong magsukat ng mga ito to make sure na hindi ito maluwag. I-check mo na din kung saang brand or variant ka mas komportable. Para din before sex, alam mo na what to go for.
If your size is not available locally, baka pwede kang mag-consult sa ilang mga sex shops na nagbebenta ng toys or other gadgets na nagbebenta din ng specialty condoms at minsan they can order or import snug fit condoms na maaaring mas sakto sa iyong sukat.
Later on, maaari din kayong komunsulta sa inyong nearest health center kung ano ang pinakamabisa at applicable na contraceptive method given the condition that you have. Pero above all, maraming ways for sexual pleasure that is safe but still enjoyable apart from just penile penetration. Always enjoy and be safe!
With Love and Lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind
(Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.)