Hello Ms. Rica,
Ask ko lang po di ba ako mabubuntis kasi everytime me and my BF made love hindi ko narireach ang climax. Never kami gumamit ng contraceptives kasi gusto namin pareho magkababy na. Medyo mataba din si BF, ‘yun po kaya ang dahilan or dahil minsan sa stress? Thank you po. Sana matulungan niyo ako.
Wana Be Baby Momma
Hello Wana Be Baby Momma,
Exciting times ahead for you and your boyfriend, lalo na’t gusto niyo na makabuo ng baby!
May iba’t-ibang paraan para magkababy, at ang natural way nga ay through penile-vaginal intercourse. Sa ganitong paraan, kailangan ay matapos o mag-ejaculate ang boyfriend mo sa loob ng vagina mo para mas malaki ang chances na ikaw ay mabuntis.
Mas makakataas din ng chances na kayo’y makabuo kung ikaw ay fertile o kaya ay nagoovulate kapag kayo ay nag sexy time ng iyong boyfriend.
Contrary to popular belief, hindi kailangan na magclimax ka para ikaw ay mabuntis, pero hindi rin naman ito nakakasama. Lalo na’t mapapaenhance nito ang pleasure na mararamdaman mo during sexy time!
Madami ring iba pang factors na kailangan ninyo i-consider kapag gusto niyo nang magkababy. Unang una ay ang health ninyong dalawa. Mas makakaigi na magpatingin kayo pareho sa doctor para malaman kung nasa optimal health ba kayong dalawa para makabuo.
Baka kailangan din na tumigil ng mga bisyo tulad ng pag-inom, paninigarilyo, at pagpupuyat para makatulong o di kaya ay mag-diet at maging nasa tamang timbang.
Ang stress ay nakakaapekto din sa pagbuo ng baby. Mas mabuti kung pareho kayo ng boyfriend mo na hindi masyadong stressed habang nagta-try. Mas maigi rin kung makakakuha ka ng sapat na pahinga para mas madali kang mabuntis.
Para mas siguradong ma-achieve ang inyong baby-making goals, mas makakatulong kung kayo ay kukunsulta sa isang doctor, lalo na kung matagal na kayong nagta-try pero hindi pa kayo nakakabuo. Good luck! #takeitfromthesexymind
With love and lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind
(Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.)