GINULAT ng aktres na si Alessandra de Rossi ang mga umattend ng premiere ng kanyang bagong pelikulang “Through Night And Day” Lunes, nang dumating ito sa venue na bagong tasa ang ulo.
Opo, kalbo ngayon si Alessandra na mala-Sinead O’Connor.
Hindi sinabi ng aktres ang dahilan kung bakit siya nagpakalbo, biro nga niya ay for a change lang daw.
Nang kulitin siya ng press people, iniba na ni Alessandra ang topic ng usap.
Hmmm…
Marami ang nagsasabi na kapag ang babae ay nagkaroon ng drastic change sa looks lalo na sa buhok ay may pinagdadaanan itong matindi partikular na sa usaping pag-ibig.
Totoo kaya ito, Alessandra?
In any case, umani ng mixed reviews ang new look ng dalaga sa socmed.
May iba nagsasabi na “sexy” daw itong tignan at bagay sa kanya, may ilan naman nagsasabi na nakaka-turn-off ito at namukhang lalaki ang 34-anyos.
Oh well, kung kami ang tatanungin, que may buhok o wala, isa parin si Alessandra sa pinaka-effective na actresses, locally.
‘Yun na! (Delia Cuaresma)