BAKIT kaya may mga negative na write-up ngayon kay Coco Martin? Kesyo raw lumalabas na ang tunay na ugali ng aktor. Kesyo, sinigawan daw nito ang mga kasambahay at pinagsalitaan ng hindi maganda.
True kaya ‘yun?
May isa pang bulong kaming narinig na “My Lord” na daw ang tawag kay Coco ng production staff ng “FPJ’s Ang Probinsiyano.”
Ganun? Diyos-diyosan na nila si Coco?
May isa pa: May mga direktor daw na nagtatampo kay Coco dahil halos siya na ang nagdidirek ng mga eksena sa kanyang serye?
Just curious, may tao (o mga tao) bang naiinggit kay Coco, na tila gusto siyang pabagsakin?
AAMIN KAYA?
Hinihintay lang ni Alden Richards na si Maine Mendoza ang kusang magkuwento sa kanya tungkol sa anumang namamagitan between her and Arjo Atayde.
Kapag nagkikita sila ng dalaga, never niyang tinanong ito tungkol kay Arjo.
Kung ayaw nitong mag-open up about her personal life, okay lang kay Alden. Basta kung saan ito masaya, happy na rin siya for her.
Sa isang interbyu kay Ria Atayde, kapatid ni Arjo, sinabi niya na nakikita niyang masaya ngayon ang kanyang kuya. Kakaiba ang aura nito. Ayaw pangunahan ni Ria kung anuman meron ngayon ang kanyang kuya at si Maine.
Kung may aaminin daw ang mga ito, hintayin na lang ang kanyang kuya. So, there!
Iniisip naman ng ibang netizens na gumigimik lang sina Maine at Arjo dahil magkasama sila sa “Jack Em Poy (PulisCredibles),” entry sa 2018 Metro Manila Film Festival.
Well….
BREAK NA?
Break na nga ba sina Julie Anne San Jose at Benjamin Alves? Nagpagupit lang ng buhok si Julie Anne, ‘yun na agad ang inisip ng ibang tao.
May kasabihan daw kasi na kapag nagpagupit ang isang babae ay break na sila ng kanyang boyfriend.
Hindi nga sila umamin na officially together sila. More than two years tumagal ang kanilang open secret na relasyon.
Lalong nabuo ang hinala ng netizens na break na sina Julie Anne at Benjamin noong nag-post ang dalaga sa socmed ng “Thank u…next.” Title ito ng kanta ni Ariana Grande tungkol sa ex-niya, breaking up at moving on. Ikinonek ‘yun sa post ni Julie Anne.
Ano nga ba? Break na ba sila o “sila” pa rin?