MALAYO pa ang bagong taon pero nauna nang magpasabog si Andrea Torres sa social media.
Yes, may regalo si Andrea sa kanyang fans para sa pagpasok ng 2019. Ito ay isang kalendaryo na hitik sa seksing kuha niya.
Take note, siya mismo ang nag-produce nito.
Bakit?
Well, ayon kay Andrea gusto lang niyang pasalamatan ang mga fans na patuloy na sumusuporta sa kanya at gusto niya raw gawin ito “a little differently” than usual.
Aniya sa isang post, “It’s my way of saying THANK YOU for the tremendous support you’ve given me. You are nothing short of amazing! Like what I always say, I’ll never get used to it.”
Dagdag pa niya, “I’m just bursting with love and gratitude for each one of you.”
Kasabay ng post ay isang mainit na video kung saan naman makikita si Andrea in various sexy poses.
We’re pretty sure marami sa nakakita ng video ay “bursting” din.
Aminin! (Delia Cuaresma)