FINALLY, inamin na ni Kim Chiu na boyfriend niya nga si Xian Lim.
Ni-reveal ito ni Kim sa “Tonight With Boy Abunda,” Miyerkules.
Simpleng “oo naman” ang sagot ni Kim ng tanungin siya kung romantic nga ba ang relationship nila ng binata.
“Alam naman na ng mga tao,” sey pa niya.
Naku, kami hindi!
Actually, ang alam nga naming for show lang talaga ang lahat, thinking na type mo pa rin si Gerald Anderson at si Xian naman type ang…
Anyway, nang tanungin naman si Kim kung si Xian na nga ang “the One,” sagot niya, “Ay, grabe! Hindi ko pa alam.”
In short, wala pang kasalan na magaganap.
Ani nga ni Kim, “Wala pa. Wala sa isip ko ngayon.”
Dagdag pa niya, “Hindi namin pinag-uusapan din. Kasi siya din. Marami pa kaming priorities, marami pa kaming gusto sa buhay. And bata pa namin.”
Naunang maging reel partner ang dalawa via “My Binondo Girl” noong 2011.
Nasundan ito ng “Ina, Kapatid, Anak (2012)” at “The Story of Us (2016).”
Mula noo’y natsismis na ang dalawa na magsing-irog sa tunay na buhay, bagay na hindi dineny o kinonfirm ng dalawa. (Delia Cuaresma)