NAUDLOT na naman ang shooting ng “Darna” movie na pagbibidahan ni Liza Soberano. Bukod sa ire-revise ang script nito, ooperahan si Liza sa isang daliri. Naaksidente siya noong ginagawa niya ang isang stunt sa teleseryeng “Bagani.” Hindi niya maigalaw mabuti, kaya kailangang operahin ‘yun.
Napag-alaman din namin na ‘yung mga nakunang eksena na dinirek ni Erik Matti ay hindi na isasama sa pelikula. Si Jerold Tarrog ang kapalit ni Direk Erik noong nag-resign siya bilang direktor ng “Darna.”
Uunahin munang gawin ni Liza ang isang Valentine movie with Enrique Gil. Ikinatuwa naman ng LizQuen fans na may bagong movie silang mapapanood tampok ang kanilang mga idolo.
Hindi naman kaya mabantilawan ang pananabik ng moviegoers sa “Darna?” Ilang beses nang naudlot ang pagsasapelikula nito.
By the way, magkasama sa kanilang Christmas vacation sa USA sina Liza at Enrique. Doon sila magse-celebrate ng Pasko at New Year with Liza’s family. Hingin na kaya ni Enrique ang blessing ng lolo ni Liza kaugnay sa namamagitang relasyon nila?
US vacation
Sa USA rin sa Los Angeles magpa-Pasko si Janine Gutierrez with her Daddy Ramon Christopher and her siblings. One week lang sila sa USA, mula Dec. 22 hanggang Dec. 29. Sa Pilipinas magse-celebrate ng New Year si Janine kapiling naman ang kanyang Mama Lotlot de Leon.
Ikakasal sa Dec. 17 si Lotlot sa Lebanese fiance’ niya sa isang beach resort sa Batangas. Garden wedding ‘yun taliwas sa naunang balitang beach wedding.
Paglilinaw
Sabi na nga ba, paninira lang kay Coco Martin ang mga negative write-ups na lumalabas about him. Nilinaw ng kanyang kampo na hindi “My Lord” kundi “Kuya,” “Direk” o “Paps” ang tawag sa kanya ng ilang co-workers niya sa “Ang Probinsiyano.”
Sa totoo lang, mas marami ang nagmamahal kay Coco, kesa ‘yung mga naninira. Sa halip na patulan, focused si Coco na marami pa siyang matulungang kapuwa artista sa pamamagitan ng kanyang serye na tatlong taon nang namamayagpag sa ere. Mabuhay ka, Coco Martin!