UMAARIBA ngayon itong si Maymay Entrata.
Aba’y sunod-sunod ang imbitasyon sa kanya para lumahok sa mga fashion shows!
Una nang na-imbitahan si Maymay ng sikat na designer na si Rajo Laurel upang rumampa sa isang fashion show sa Nov. 23.
Ngayon naman, ang sikat na sikat na international designer na si Furne One ang nag-imbita sa dalaga para naman sa prestihiyosong Arab Fashion Week 2018 na gaganapin sa Dubai.
Wow, huh!
Siyempre, tuwang tuwa si Maymay dito.
Ibinahagi nga niya kaagad ang magandang balita sa mga followers niya sa social media.
Nagpasalamat din siya sa pag-imbita sa kanya.
“Di ko talaga alam kung paano ko ma-express ang nararamdan ko pero, dito ako sigurado ang pasalamatan po kayo AMATO Couture Family! Binigyan nyo ng panibagong kulay ang buhay ko. Maraming salamat po,” aniya.
Tanggapin kaya ni Maymay ang alok? Tuloy tuloy na kaya ang pag-angat niya bilang modelo?
Kung anu’t ano pa man, malaking bagay ito sa 21-anyos dahil sa dami ng magagandang dilag sa apat na sulok ng showbiz eh, siya lang ang naimbita sa magarbong fashion event
Oh ‘di ba bongga? (Delia Cuaresma)