PINATUNAYAN ng mga miyembro ng grupong Hashtags ang patuloy na pagmamahal sa yumao nilang kasama na si Franco Hernandez sa pagalala nila rito sa social media kamakailan lang.
Matatandaan na nalunod si Franco isang taon na ang nakaraan habang ito’y nasa bakasyon kasama ang girlfriend.
Ini-alay ng grupo ang cover nila ng awiting “See You Again” para kay Franco.
Pinangunahan ni Hashtag Wilbert Ross ang proyekto na aniya halos dalawang buwan nilang pinaghirapan bago nabuo.
“Oras, pera, atensyon, kapal ng mukha, pamimilit – proud ako sa sarili kong natapos ko din to,” aniya.
May rap part ang kanta na ginawa nina Jon Lucas at Jimboy Martin.
Bro, para sa ‘yo ito. Sobrang miss ka na namin,” pagtatapos ni Wilbert. (Delia Cuaresma)