89 years old na ang great and legendary actor na si Eddie Garcia pero tuloy pa rin ito sa pag-arangkada in terms of his craft.
Kamakailan nga ay nag-win pa siya ng dalawang Best Actor awards. Note both came in the span of 3 months!
Masasabi ngang Tito Eddie made sort of “history” with the feat.
Una niyang nasungkit ang isa sa mga parangal noong Cinemalaya awards night last August for “ML.”
Then, nangabog uli si Tito Eddie na makopo niya ang QCinema 2018 Best Actor plum for “Hintayan Ng Langit,” na may commercial showing na this Wednesday, Nov. 21, in cinemas nationwide.
Kung ang ibang mga kasabayan niyang artista many decades ago ay either pumanaw na, inactive na sa industriya or nagbago ng linya ng work, tila nag-iisa na lang ang isang Eddie Garcia in his league.
Of recent years, bago ang taong ito, medyo nag-lie low ang beteranong aktor pero laking-bawi naman ang paghataw niya for 2018, which he’s very thankful.
“Nagpapasalamat ako dahil nanalo ako ng dalawang awards in three months this year,” simpleng banggit ni Tito Eddie ukol sa naturang achievement.
Sa totoo lang, nasa 30 plus awards na ang nakuha ni Tito Eddie, maging bilang actor man (lead or support) or director.
Sa “Hintayan Ng Langit” (a fantasy drama), dati silang magkasintahan ng karakter ng beterana ring si Gina Pareno na namatay na at nagkita sa “purgatory.” Malalaman sa istorya kung sino sa dalawa ang maghihintay (kanino) sa langit.
Napanood namin ang Virgin Labfest play version nito and we really enjoyed it.
Maging sa movie version nito sa QCinema pa lang, ibang level ng acting ang ipinamalas ng dalawang veteran leads.
When asked sa puwede niyang “tip” o advise sa younger generation of actors, issa lang ang nasambiti ni Tito Eddie: professionalism.
Samantala, natanong rin namin si Tito Eddie sa kung ano ang masasabi niya na tila lagi na lang may “isyu” sa pagpili ng National Artist award, tulad nitong nakaraan.
“Wala akong pakialam doon,” tawang reaksiyon ni Tito Eddie.
But ayon sa previous statements niya on the National Artist issue, “May selection committee or process kasi diyan, and I respect that,” or words to that effect.
Ang iba pang nasa cast ng “Hintayan ng Langit” ay sina Kat Galang, Joel Saracho, Karl Medina, at iba pa.
Mula ito sa panulat ni Juan Miguel Severo, from Globe Studios at ang sariling production outfit ng director nito na si DanVillegas at ang love of his life na si Antoinette Jadaone. (Mell Navarro)