TILA patuloy ang magagandang blessings na dumarating para sa Pinay model na si Kelsey Merritt.
Ito’y makaraang rumampa siya sa Victoria’s Secret Fashion Show 2018 sa New York City, Nov. 8.
Lately nga ay umabot na sa 1 million ang followers nito sa Instagram.
Hindi lang ‘yan. May bagong feat ang dalaga: Ito ay ang ma-feature siya sa official website ng Vogue, ang tinaguriang bibliya ng fashion world.
Sa naturang feature, nag-share si Kelsey ng kanyang beauty secrets.
Kabilang na rito ang pag-gamit niya ng natural coconut oil para ma-moisturize ang kanyang skin.
Kinuwento rin ni Kelsey na may sarili siyang tanim na aloe vera para mapanatiling makintab ang kanyang hair.
Nag-share din si Kelsey ng kanyang make-up secrets na patok most especially sa mga girls na tulad niya na may naturally tan skin.
Nagkuwento rin si Kelsey ng kanyang journey patungo sa pagiging Victoria’s Secret model.
“It means a lot to me and the people back home because they love Victoria’s Secret so much. And they’ve always wanted a Philippine model to walk. It’s not just success for me – it’s also success for them,” diin ni Kelsey.
Tulad ni Kelsey, featured din sa Vogue website ang mga beauty routines nila Rihanna, Kendall Jenner, Emily Ratajkowski, and Rosie Huntington- Whiteley.
Second most-shared feature sa Vogue website ang video feature na ito ni Kelsey. (Ruel J. Mendoza)