Masisisi mo ba si Ace?
Ito ang tanong nga karamihan ng mag-post itong si Yam Concepcion ng kanyang bikini selfie kamakailan sa social media.
Siyempre ang Ace na binanggit ay ang lover ng character ni Yam sa series na “Halik” na ginagagampanan ni Sam Milby.
Well, we could only agree.
Kung ang photo ni Yam ang pagbabasehan talaga namang kahit sinong Poncio Pilato ay magkakasala ng todo.
Kitang-kita rito kasi ang taglay na kariktan ng dalaga na talaga naman super-duper curvaceous.
Hindi lang naman kami ang paulit-ulit na tinignan ang litrato.
Sa katunayan, umani na ito ng 141,859 likes at 2,569 comments ilang oras lamang makaraan i-post ni Yam ito noong Biyernes.
May ilang artista rin nga ang di nakapagpigil na mag-comment sa litrato.
Si Alessandra De Rossi nga ay napa “Hoy.”
Si Say Alonzo naman halatang inggit sa nasambit nito na “HINDI NA TALAGA AKO KAKAIN.”
Eh, kami iba. Bigla naming naalala ang mga paa ng camel na sinakyan naming minsan sa Dubai.
Charot! (Delia Cuaresma)