MARAMI ang nagtatanong kung bakit wala daw sina Judy Ann Santos, Sharon Cuneta at Julia Montes sa bagong Station ID ng ABS-CBN.
Nakalimutan nga ba silang tawagan ng kung sino mang in-charge sa ID na tawagan habang shino-shoot ito?
Naku, huh?
Masasabi pa rin naman na big stars ng station ang tatlo dahil na rin sa mga iba’t ibang show na ginawa nila sa network na pawang hits.
Pero ‘yun nga, mukhang you’re only as good as your last show ang stand ng ABS-CBN.
Tama ba kami? Hindi na ba relevant sa goings on sa Dos ang mga nabanggit na stars?
Ironic sa iba na “Family is Love” pa naman ang theme ng ID.
Una na ngang naglabas ng himutok sa social media si Janno Gibbs na isa rin sa mga nakalimutang isama sa ID.
Take note, kakapirma lang ni Janno ng kontrata sa Star Records, and music recording arm ng ABS-CBN.
In any case, bidang bida ang bagong lipat na si Regine Velasquez-Alcasid sa ID.
Ditto Vice Ganda, Sarah Geronimo, Coco Martin at Piolo Pascual.
Alam na natin siguro kung sino ang “pinaka” ngayon sa ABS-CBN.
‘Yun na! (Delia Cuaresma)