MALALIM ang hugot ni Daniel Padilla nang ito’y lumabas sa telebisyon kamakailan para sa birthday celebration ng inang si Karla Estrada.
Seryoso itong nagbahagi ng saloobin hinggil sa malasakit sa kapwa.
Aniya, “Tayong mga tao masyado na tayong busy sa ating personal na buhay na hindi na natin napapansin, pinakikialaman ang buhay ng iba minsan.
“Okay naman ‘yon kasi napakahirap naman talaga ng buhay…
“Pero kailangan, I think, kailangan natin ng affection at konting paki sa kapwa natin.
“Ang kapwa mo ikaw din ‘yon. I think kailangan nating simulan sa sarili natin. Kasi hindi na panahon ngayon para isisi natin sa iba.”
Hindi man binanggit ni Daniel kung saan nanggaling ang hugot niya, obvious na ang gusto niya ay katiwasayan sa mundong ibabaw.
Sabi nga niya, “Kailangan nating i-save ang mundo natin. It really needs changing talaga. We want change, but do we really want to change? You want change, but do you really move?”
Nang tanungin ni Karla kung ano ang pangarap niya, sagot ni Daniel: “My dream is to wake up to a better world, with better humans and to also be a better human and to inspire people to be better as well.”
Amen! (DELIA CUARESMA)