SUPERSTAR at bagong box-office queen ang tawag ni Sharon Cuneta kay Kathryn Bernardo. Puring-puri ni Sharon si Kathryn na nakatrabaho niya sa “Three Words to Forever” kung saan gumanap ito bilang anak nila ni Richard Gomez.
Ayon pa kay Sharon, happy siya na nakatrabaho niya si Kathryn. So refreshing and heartwarming sa maraming araw na nagkasama sila sa shooting ng kanilang movie. “She’s someone beautiful, simple, sincerely sweet and kind, respectful to her mother and to everyone she works with. Agreat girlfriend too,” ayon kay Sharon.
Reunion movie nina Sharon at Richard ang “Three Words to Forever” under Star Cinema, directed by Cathy Carcia-Molina. Showing on Nov. 28.
Invited
Invited si Nora Aunor sa kasal ni Lotlot de Leon at Lebanese fiancé niyang si Fadi El Soury on Dec. 17. Garden wedding ‘yun na gaganapin sa El Jardin de Zaida somewhere in Batangas.
Inaabangan kung dadalo si Nora. What about Christopher de Leon na kinikilalang ama ni Lotlot? Did we hear it right na darating ang parents at ilang kamag-anak ng fiancé ni Lotlot? Darating din daw ang mga kapatid niya sa kanyang American biological father. Pero hindi pa raw tiyak kung makakarating ito.
Maids of Honor ang mga anak ni Lotlot sa ex-husband niyang si Ramon Christopher Gutierrez na sina Janine, Jessica at Maxine. Ang only son nilang si Diego ang maghahatid kay Lotlot sa altar.
Nasaan na?
Nasaan na nga ba si Hiro Peralta? Ano kayang reaction niya noong nahuli ang kanyang parents dahil diumano sa droga? Itinanggi pa ng nanay ni Hiro na gumagamit ito ng shabu.
Matagal nang hindi napapanood sa TV si Hiro. Kapuso pa ba siya? Ano na nga ba ang huling teleserye niya?
Dating miyembro si Hiro ng defunct youth-oriented show na “Tweenhearts” with Barbie Forteza, Bea Binene, Derrick Monasterio, Kristoffer Martin, Jake Vargas, among others.