Dear Ms. Rica,
Follower niyo po ako, at narinig ko po sa isang interview niyo na pwede pong hindi maging safe ang paglagay ng condom sa wallet. Bakit po?
Pocket Guy
Hi Pocket Guy,
Unang una sa lahat, salamat sa pakikinig at pag-follow sa akin. Sana ay may natututunan ka regarding your sexual health dahil dito.
To answer your question, totoo ngang hindi advisable na ilagay sa iyong wallet ang condom, though madaming gumagawa nito. Kapag nasa wallet ang condom ay may possibility na ito ay masira because of the the constant bending and friction sa loob ng wallet.
Also, kapag naiinitan at nalalamigan ang condom, pwede rin ito mag-deteriorate at maging prone to breakage. May mga pagkakataon na puwede itong magkaroon ng microscopic holes and tears na pwedeng hindi mo makita kapag binuksan at ginamit mo na ang condom.
This can make it less effective in preventing the transmission of STIs or having an unwanted pregnancy. Yikes!
So paano ba dapat itinatago ang condom kung ikaw ay magdadala nito? Condoms should be stored in a cool, dry, and dark place. So mas maiging nasa drawer siya sa iyong kwarto kaysa nasa wallet.
Pero kung gusto mo na palagi kang may dalang condom ay maaari mo itong ilagay sa kaniyang box at sa pocket ng bag para hindi ito palaging nagagalaw. Importante din na tignan m ang expiration date bago mo ito gamitin para siguradong effective pa ito.
To help in reducing the possibility of breakage or damage to your condom, mas OK na palitan mo ito regularly, lalo na kung matagal na itong nakastore.
Pwede rin kasing sa sobrang tagal na na hindi ito nagamit ay nag-dry na ito at naging brittle. Minsan, nakakapanghinayang itapon kung hindi mo pa nagagamit, pero, hindi ba’t mas mabuti nang nakasisigurado kang hindi ka makakabuntis o magkakasakit kaysa hindi?
Tandaan, it’s always better to be safe than sorry! #takeitfromthesexymind
With Love and Lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind or DM me at IG and Twitter @_ricacruz.
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.