IKAW ba ay nakipag-jowa sa trabaho? Kayo ba ay nagkalabuan? Ikaw ba ay ngayon ay nahihirapan dahil araw araw mo pa rin siyang nakikita?
Kung ikaw ito, pwes, may payo si Maja Salvador sa iyo.
Alam naman ng lahat na naka-ilang jowa na ito sa bakuran ng ABS-CBN kung saan siya nagdalaga.
Nagdalaga, daw o!
Anyway, sa hindi nakakaalam, naging jowa ni Maja sina Matteo Guidicelli at Gerald Anderson, na ngayon ay masaya na sa piling ni Sarah Geronimo at Bea Alonzo, respectively.
Ani Maja, simple lang naman daw i-handle ang ganitong bagay. Pero, una rito dapat mag move-on muna.
Ito ang sabi niya, “Sa akin, ‘yung mga ex ko, nakakasalubong ko, pero sobrang naka-move on na ako, kaya ‘pag nakita ko sila, okay na. Hindi ako na-o-awkward na batiin sila, kasi talagang honest ako sa sarili ko na wala na, naka-move on na ako. Happy na rin naman sila sa mga relationship nila sa iba.”
Pangalawa, isipin mo na dapat una ang trabaho more than anything else.
Sey ni Maja, “Huwag kang magpa-apekto or ma-distract. Gawin mo pa rin nang maayos ‘yung trabaho mo.”
Eh pano kung talagang you can’t help but emote?
Sagot ni Maja: “Kung kailangan mong umarte, mag-ibang character, gawin mo.”
Dagdag pa nga ng dilag, “Okay lang ‘yung pain pero dapat may isang araw, ikaw na mismo sasabihin mo sa sarili mo, ‘Bangon na, move on ka na.’”
Oh, ikaw gets mo? Take it from the expert! (Delia Cuaresma)