ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
* * *
Hi Alex,
Nagkalat ang mga Chinese sa buong Metro Manila. Dati Koreano lang, ngayon pati Chinese na rin! Ano ba ang nangyayari Tito Alex?
Terrence ng Salcedo Village, Makati
Hi Terrence,
Ako din ay nag-aalala na! Dati Koreano lang ang problema ko! Yang Koreano, una kong napansin yan sa Ortigas. Tapos nung may show ako sa Bohol, nakasabay ko sa beach, tatlong grupo nga Koreano. Ngayon naman, mga Chinese! Ang problema, hindi natin malaman kung Koreano o Chinese! Buti ang mga taga-Binondo, alam natin na Filipino-Chinese! Hindi ko rin alam kung bakit sila dumadami! Gusto ko na rin pumunta sa China para palit na tayo ng bansa! Isa pang problema ko, kung marami na ang Chinese dito sa Pilipinas, baka mas i-celebrate natin ang New Year sa February!
* * *
Hi Alex,
Bagong panganak ang aso kong Shih Tzu. Ang nakabuntis sa kanya ay aso rin namin na Shih Tzu. In short, purong Shih Tzu ang mga anak niya. Lima ang lumabas pero namatay ang dalawa kaya tatlo na lang. Marami ang umaarbor. Balak ko rin ibenta. Binigyan ko na nga ng mga pangalan ang tatlong tuta eh. Cute lahat. Magkano ko kaya ibebenta ang mga Shih Tzu.
Danah ng Taguig
Hi Danah,
Dun sa mga umaarbor na kaibigan mo, ang kakapal ng mukha nila. Ang hirap magpaanak ng aso lalo na yung mga may lahi. Saka, ang presyuhan ngayon ng Shih Tzu ay 5 thousand pesos hanggang 10 thousand pesos lalo na kung may papel. Bale 15 thousand lahat yan. Pero ang pagkakaalam ko rin, mas mahal ang babae kasi pwede silang mag-breed. Kaya lang kinakabahan ako kasi mukhang mahihirapan kang ibenta yan. Nagsabi ka na ng cute eh. Saka binigyan mo na ng pangalan. Mahirap na i-let go yan. Dapat wag mong bibigyan ng pangalan muna kasi mapapalapit sa’yo yan! Pustahan tayo, hindi mo na ibebenta yan. Ibenta mo man, malamang iiyak ka dahil malulungkot ka! 15 thousand o 3 cute na cute na mga puppies. Hirap niyan!
* * *
Hi Alex,
May mabango po bang utot?
Pekto ng Pasay
Hi Pekto,
Kapag utot mo, mabango sa’yo! Kung ang beauty ay nasa eye of the beholder, ang bango ng utut ay nasa nose of the beholder!
* * *
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected]
facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007