SA wakas, after so many years, nagkita na muli ang mag-amang Juan Miguel Salvador at Janella Salvador.
Nangyari ito sa isang bar kung saan tumugtog ang ama ng dalaga kasama ang band nito na Authority, Huwebes.
Binahagi ni Janella ang pambihirang pagkakataon sa mga followers niya sa social media.
Masaya niyang ipinagmalaki na hindi lang sila nagkita ng ama, bagkus nag-duet pa sila!
Aniya sa Instagram post, “Sing with my papa on stage for the first time ever. Surreal. No dry cough or dysmenorrhea can stop me (so please forgive my shaky voice)! Enjoy our little Queen tribute!”
Kabilang sa kanilang mga inawit ang “Another One Bites The Dust,” “We Will Rock You,” “I Want To Break Free,” at “Bohemian Rhapsody.”
Madalang magkita si Juan Miguel at Janella na nasa poder ng ina na si Jenine Desiderio.
Napabalita pa nga ang pagkikita ng mag-ama noong 2015, kung saan unang beses napanood ni Janella si Juan Miguel na tumutugtog.
Aniya noon, “Okay naman kami it’s just that we seldom see each other.” (DELIA CUARESMA)