KUNG noon ay ginagawang katatawanan ang mga katagang “anak ni Janice” dahil na rin sa comedy-horror film of the same name na ni-release noong 1991, iba na ngayon.
Malayo sa maligno ang hitsura ng mga anak ni Janice.
Take a look at Kaila Estrada, isa sa mga anak niya with her ex, John Estrada – bukod sa maganda at sexy, matalino pa.
Anyhow, marami ang natuwa nang mag-post itong si Kaila kamakailan ng mga bagong photos niya wearing different kinds of sexy two-piece swimsuits sa Instagram.
Hindi naman ito bago para sa modelo na tila mahilig sa beach pero sadyang di magkamayaw ang mga fans.
Kuha ang mga larawan sa separate locations sa Batangas at La Union.
Ani mga followers ni Kaila, she should do more of the same.
Bilib ang iba kasi nga hindi raw cheap ang dating ng dalaga.
“Sexy but classy,” ani ng isa.
“Effortless beauty,” dagdag naman ng isa pa.
We’re pretty sure very proud naman rito ang mga parents niya. Ang good looks ay nasa genes, after all.
Para naman doon sa mga naghihintay kung papasukin ni Kaila ang showbiz, wag na kayo masyado umasa. Ayaw raw ng dalaga rito at hindi raw niya kaya umarte. Masaya na raw siya sa pagmo-modelo.
Okay, fine! (DELIA CUARESMA)