MATAGAL nang pinangangalandakan ng seksing aktres na ito na wala pa raw siyang karanasan sa pag-ibig whatsoever. Ika nga niya ay NBSB daw siya or No Boyfriend Since Birth.
Marami ang hindi naniniwala rito kasi kung oobserbahan mo ang pananalita at pagkilos ng aktres lalo na sa social media feed nito eh, talaga namang magdududa ka sa claim nito.
Aba’y tila sanay na sanay na ito magbuyangyang ng katawan na obvious din na retokado, lalo na ang hinaharap nito.
Do tell me, may inosente bang retokado? Kung hindi ka pa nahahawakan ninuman, gugustuhin mo bang mauna pa ang doktor mo?
Lalong lumakas ang usap ukol sa claim niya about her supposed innocence nang lumabas ito kamakailan sa isang sexy movie.
Todo umarangkada si ate sa mga love scenes na aniya’y natutunan lang niya through research.
Research daw o! (Delia Cuaresma)