BOTONG-BOTO si Sharon Cuneta sa French boyfriend ni KC Concepcion na si Pierre Emmanuel Plassart. Anang Megastar, perfect guy ito for her daughter at happy siya for them.
Para raw may sariling language ang mga ito na nagtitinginan at nagtatawanan lang, pero nagkakaintindihan na.
Gusto nga ni Sharon na mag-asawa na si KC. Nasasabik na siyang magkaapo. “Kapag hindi pa sila nagpakasal, magpapabuntis uli ako,” joke ng Megastar.
Nanghinayang lang siya na feeling niya’y kinulang siya ng panahon sa pagpapalaki kay KC. Two years old lang ito noong naghiwalay sila ni Gabby Concepcion. Tutok siya (Sharon) noon sa pagtatrabaho dahil single parent siya at solo niyang pinalaki si KC.
Proud and happy naman si Sharon na napalaki niya nang maayos si KC at maaga itong naging independent sa buhay. Proud mother si Sharon dahil mababait ang mga anak niya (KC, Frankie, Miel at Miguel). Proud wife rin siya dahil aniya, “I married a good man (Senator Kiko Pangilinan).”
NANIBAGO
Nanibago si Kathryn Bernardo na hindi si Daniel Padilla ang kapareha niya sa “Three Words to Forever.” Ang dating “PBB” housemate na si Tommy Esguerra ang kapartner niya na ani Kathyrn, nagkaroon siya ng kaunting adjustment working with him.
Supportive naman si Daniel at kinausap pa nito si Tommy. Dumalaw pa si Daniel sa shooting nila sa Ormoc City.
Ani Kathryn, ang sarap ng feeling na na-i-se-share na nila ni Daniel sa lahat ang totoong estado ng kanilang relasyon.
“I’m the happiest when I am with DJ. Hindi ko lang siya boyfriend, bestfriend din,”ani Kathryn. Wala pa sa isip nila ang magpakasal na aniya, mararamdaman ‘yun kung ready ka na. Hindi raw dapat minamadali ang bagay na ‘yun.
First time ni Kathryn makatrabaho sina Sharon at Richard Gomez sa “Three Words to Forever” at aniya, it was “super fun” working with them. Noong una raw, nahihiya siya. Later on, bonding-bonding na sila sa set.