Seksing-seksi na ngayon kung titignan itong si Jessy Mendiola pero umamin ito na hindi naging madali sa kanya ang lahat.
Aniya matinding sakripisyo raw ang kanyang ginawa upang marating ang kasalukuyang pangangatawan.
Pero nilinaw niya na hindi ang pangungutya ng mga netizens ang naging susi sa kanyang pagbabago.
“Sa mga nagsasabi na, ‘Ay, nagpapayat siya kasi binash siya,’ it’s not that. It’s more that I wanted to feel good, so I started being healthy,” sey niya.
Apart from that, pinadalhan din daw kasi siya ng kanyang management ng “fat memo.”
Ito ay parang notice na natatanggap ng mga artista na kailangan na nilang magpapayat.
Ito rin nga daw ang dahilan kung matagal siyang walang trabaho o assignment.
Kuwento ng aktres, “I got very depressed, parang dumating ako sa point na, ‘Ah, ‘eto na lang pala talaga ang halaga ko.’ Kung hindi ako sexy, wala akong projects at hindi nila ako makikita as who I am.”
Pero hindi siya nagpatalo rito.
“I challenged myself at nakita naman ninyo ang result. From 140 lbs nasa 115-120 lbs na lang ako.”
Malaking tulong daw sa kanya ang suporta ng boyfriend na si Luis Manzano.
“Nakita niya ‘yung journey ko. Nakita niya ‘yung struggles ko na hindi na ako nabibigyan ng work, lagi akong binabash ng mga tao.
“Nung nalaman niya na naabot ko na ‘yung goal ko, ‘yung gusto kong ma-achieve, he was very happy for me. Nakita niya na naging positive at naging happy na ako.”
Eh di ayos! (Delia Cuaresma)