NAGKAKILALA na pala ang ina ni Vice Ganda na si Rosario, at ang PBA player na si Calvin Abueva.
Si Calvin ay nali-link romantically kay Vice dahil na rin sa hayagan nilang pag-amin na lumalabas sila.
Nito ngang huli ay nakita sila magkasama muli sa Boracay.
Sa isang episode ng ABS-CBN morning show na “Magandang Buhay” Lunes, inamin ng ina ng “It’s Showtime” host na ipinakilala na ng anak si Calvin sa kanya.
Kwento niya, “Kasi magla-lunch kami, e.
“May lunch kami, ‘tapos nung nandodoon na ako, sabi niya (Vice), ‘Nay, may bisita ako, ha!’
“’Okay lang, ‘nak,’ sabi ko.
“So yun, dumating sila, ipinakilala niya ako.”
Alam na rin daw ni Nanay Rosario na nali-link ang basketball player sa anak.
Aniya, “Nung sa ‘Showtime’ nga itong lately, pagbalik ko, ‘yun bang mga biru-biruan, napapansin ko.
“So, tinanong ko yung apo kong babae, ‘Anak, ano yun?’ sabi kong ganun. “‘Eto, ipakikita ko sa ‘yo, ‘Nay.’”
Eh paano kung si Calvin at si Vice na nga?
Sagot ni Nanay Rosario: “That will be nice. Maganda. Masaya.
“Kasi hindi sila nag-o-open up sa akin, so ako naman, nasa edad naman na sila… parang wala na akong karapatan pa na mag-usi-usisa pa.
“So, whatever comes.”
“I welcome them. I accept them.
“Kung saan sila masaya, masaya na rin ako,” pagtatapos pa niya. (DELIA CUARESMA)