SABI ni Richard Gomez sa “Tonight with Boy Abunda,” one year tumagal ang boyfriend-girlfriend na relasyon nila ni Sharon Cuneta. Sabi naman ni Sharon sa mediacon ng “Three Words to Forever,” six years on-and-off ang kanilang relasyon.
Ayon pa kay Richard, bukod sa masyado pa silang bata noon, individual differences at may mga girls on the side ang dahilan ng kanilang break-up. Masyado raw kasi siyang mapagbigay noon.
Pero ayon sa ilang sources, diumano, hindi boto kay Richard ang daddy ni Sharon, the late Pasay City mayor Pablo Cuneta, kaya nag-break sila. Noong una’y itinago pa nina Richard at Sharon ang kanilang relasyon, pero kalaunan ay nabuking din sila.
Mainipin
Nainip na naman siguro si Kiko Estrada kaya bumalik muli siya sa ABS-CBN. Nag-expire ang contract niya sa GMA7 last October this year.
Second time na ito na bumalik si Kiko sa Kapamilya Network. Noong una, nainip siya sa paghihintay na mabigyan ng magagandang projects sa GMA7. Aniya, gusto niyang maging versatile actor.
Sad to say, nang lumipat siya sa ABS-CBN, hindi rin naman bumongga ang career niya. Bumalik uli siya sa GMA7 na sabi pa niya, hindi siya safe sa Kapamilya Network. Whatever he meant, hindi nag-elaborate si Kiko.
Sana lang, sa pagbalik niya sa ABS-CBN ay mabigyan na siya ng major roles. Kasama siya sa upcoming teleserye na “Project Kapalaran” ang working title. Pagbibidahan ito nina JM de Guzman at Arci Muñoz na dati ring Kapuso.
Hindi kaya kapag nainip na naman si Kiko ay bumalik siya muli sa GMA7?
Exclusively dating
Hindi na maawat sina Ruru Madrid at Bianca Umali sa kanilang relasyon, kaya dapat siguro’y lumantad na rin sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos. Buwag na rin naman ang GabRu love team.
Ang pakiyeme ni Gabbi kapag tinatanong sa totoong estado ng relasyon nila ni Khalil ay ito na lang daw ang tanungin. Afraid kaya siya na baka-i-deny siya ni Khalil?
Ayon kay Khalil, one year na silang exclusively dating ni Gabbi. Pero hindi pa sila officialy together. Hoping siya na doon na rin hahantong ang kanilang relasyon. Saan pa nga ba?