INABANGAN noong Nov. 29 kung magsa-substitute candidate si Willie Revillame kay Chuck Mathay na nag-file ng certificate of candidacy last October para tumakbong mayor ng QC. Walang balitang lumabas , kaya ibig sabihin, mananatiling host ng “Wowowin” si Revillame.
Hindi siya nakumbinseng kumandidato sa 2019 mid-term elections.
Besides, kapipirma lang ni Willie ng panibagong kontrata sa GMA7, kaya hindi puwedeng iwan niya ang kanyang programa.
By the way, bongga ang Christmas gift ni Willie sa co-host niyang si Sugar Mercado. Isang brand new car. Si Sugar ang pinakamatagal na co-host ni Willie. Napalitan na ‘yung iba , pero nananatiling matatag si Sugar sa naturang programa.
Ano naman kaya ang Christmas gift ni Willie sa ibang co-hosts niya? Hindi kaya magkainggitan dahil bagong car ang regalo niya kay Sugar?
DI MAKAPANIWALA
Hindi pa rin makapaniwala ang unang “The Clash” champion na si Golden Canedo na may sarili na siyang sasakyan. Ibinigay na sa kanya ang napanalunan niyang SUV brand new car na bahagi ng kanyang premyo.
Tuwang-tuwa si Golden nang ibigay sa kanya ang susi ng sasakyan at tumambad ito sa kanya. Aniya, parang nananaginip pa rin siya. Dati raw kasi, tricycle lang ang sinasakyan niya at ng kanyang pamilya.
Kung magtutuluy-tuloy ang magandang kapalaran ni Golden, hindi malayong marating din niya ang narating ni Sarah Geronimo na may mga nagsasabing kahawig niya. Fifteen years old si Sarah noong nag-champion siya sa isang singing search. Fifteen din ngayon si Golden.
Abang-abang na lang.
INDUCTEE
Tiyak na ikatutuwa ni German “Kuya Germs” Moreno saan man siya naroon ngayon na ang dati niyang alagang si Ken Chan ay kabilang sa sampung personalities na bibigyan ng star ng Walk of Fame, Philippines at magiging inductee. Gaganapin ang event sa December 10 sa Eastwood City.
Kahit wala na si Kuya Germs ay ipinagpapatuloy pa rin ng anak niyang si Federico Moreno ang WOFP. Kinilala nito ang matagumpay na role na ginampanan ni Ken sa “Destiny Rose” at sa ongoing series niya, “My Special Tatay” kung saan isa siyang may mild intellectual disability.”