ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o mala-king problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
* * *
Hi Alex,
Ang traffic na talaga dahil malapit na magpasko! Sobrang traffic! Mapa-EDSA, mapa-C5, ultimo eskinita, traffic na! Ang hirap naman mag-MRT kasi puno at may kabagalan ang takbo. Nakakainggit tuloy ang mga motor sa daan. Nakakasingit sila at hindi nata-traffic. Napapaisip tuloy ako na bumili ng motor. Ano sa tingin mo Tito Alex, bumili na ba ako ng motor?
Ronaldo ng Alabang
Hi Ronaldo,
Huwag kang bumili ng motor! At wag kang mainggit sa mga nakamotor! Oo, nakakasingit sila! Oo, mabilis sila kasi hindi sila natatraffic! Pero ito ang sasabihin ko sayo, hindi lahat nakakainggit sa mga naka-motor. Kapag ikaw nagmotor sa EDSA, mabilis ka nga pero langhap mo lahat ng usok! Pagdating mo sa bahay mo, malalaman mo kung ano ang amoy ng EDSA kasi nakadikit sa damit mo. Saka, delikado ang naka-motor, takaw aksidente, konting kadyot sayo ng kotse, tilapon ka, paano pa kung bus o truck? Mahina-hina ang baling buto! At hindi naman laging sila ang mabilis, bumabagal din sila lalo na kung tag-ulan, lahat sila nagtatago sa ilalim ng tulay!
* * *
Hi Alex,
May katabi kaming ginagawang bahay. Madaming mga construction workers. Napansin ko lang, ang gaganda ng mga katawan ng mga construction workers! Araw-araw ako nag-gi-gym pero hindi naman ganun kaganda ang katawan ko. Nakikita ko rin ang lakas nila sa kanin eh ako may pa-low-carb low-carb diet pa! Ano ba sikreto ng mga construction workers at magaganda ang katawan nila?
Marlon ng Pasay City
Hi Marlon,
Wala silang sikreto! Yung gym mo na puro hi-tech equipment, may katumbas sa construction site yun! Mga binubuhat niyong dumbbells at barbells, buhangin lang at semento sa kanila yun! Diet diet pa kayo! Kumakain nga sila ng maraming kanin pero hindi sila tumataba dahil once a day lang sila kumakain!
* * *
Hi Alex,
Napapansin ko na lagi ng umuuwi ng maaga ang asawa ko mula sa office. Ano kaya ang dahilan nito?
Jubilee ng Mandaluyong
Hi Jubilee,
Baka natanggal na siya sa trabaho o kaya may bago na kayong maid na maganda kaya maaga siya umuuwi! Check mo!
* * *
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007