PIKON na pikon si Arci Muñoz of late dahil na naman sa isang walang modong follower sa social media.
Ang siste, nag-post kasi itong dalaga ng photo niya na naka two-piece swimsuit.
Marami siyempre ang natuwa dahil litaw na litaw sa mga kuha ang deadly curves ni Arci.
Kaya nga lang may killjoy na fan na tila sa sobrang walang magawa ay minessage pa ang actress.
Aniya, “I really like you pero bakit parang pati pwet mo pinagawa mo? Tsk tsk. Halata kasi.”
Pikon na sinagot agad ito ng aktres.
Ani Arci, “Dude! I don’t work out everyday just for you to judge my fine ass!”
‘Yun pala sadyang nagpapapansin itong basher kay Arci.
Sinagot niya ang aktres, “Hey Joke lang! Haha gusto ko lang ma notice mo ako…”
Well, hindi nakalma ang loob ni Arci dito.
Sa sumunod niyang post, ibinalandra ng aktres ang measurements niya na 35-25-37 sabay sabi ng “Suck on that mother****er!!!
Hindi na bago kay Arci ang makipagbangasan sa social media.
Dati na itong inulan ng batikos sa patuloy na pagpatol sa mga walang magawang bashers.
Obviously, palaban si Arci – just the way we like it.
Charot! (Delia Cuaresma)