TSUGI ang beauty nina James Reid at Joshua Garcia sa listahan ng mga recipients ng star sa Walk of Fame ngayong taon.
Ginanap ang seremonya nitong Lunes sa Eastwood City Central Plaza, kung saan ginawaran ng mga stars sina Julia Barretto, Pia Wurtzbach, Derek Ramsay, Ken Chan, Vhong Navarro, Chito Rono, Marichu Vera-Perez at Rico Hizon.
Ayon sa organisasyon na namamahala sa proyekto, napagdesisyunan nilang tanggalin sa listahan sina James at Joshua dahil nagpa-abiso ang mga ito na hindi makakasipot sa pagtitipon.
“The board is very, very strict, eh. Presence is really required,” ani Federico Moreno, anak ng yumaong Master Showman na si Kuya Germs, ang utak sa likod ng proyekto.
Eh nasaan nga ba sina James at Joshua?
Ani Federico, si James daw ay nasa Australia pa.
“He had to extend his stay in Australia to attend to the needs of his father, which we fully understand,” aniya.
Si Joshua naman daw ay may ibang lakad.
All is not lost naman daw para sa dalawa.
“What we do naman, once you are nominated, we try to nominate naman din again next year,” sey pa ni Federico.
Fine! (DELIA CUARESMA)