INAMIN ng aktor na si Marcus Madrigal na minsan siyang napaglaruan ng mga kapwa Pinoy nung magtrabaho siya sa isang cruise liner noon.
Ani Marcus, na nagbabalik sa pag-a-artista via sa Metro Manila Film festival (MMFF) entry na “Rainbow’s Sunset,” nagtrabaho raw siya sa cruise liner noong panahon na hindi naging consistent ang dating ng mga movie and TV projects sa kanya.
“I need to survive so nag-isip ako ng something na mapagkakakitaan,” kuwento ni Marcus.
Nag-aral si Marcus sa isang culinary school.
“Sa awa ng Diyos, after kong maka-graduate natanggap ako sa cruise company na pang-international.
“Hindi na ako nag-OJT at all, diretso na ako sa trabaho,” dagdag pa niya.
At dito nga daw na-experience ni Marcus ang mapaglaruan.
Dahil nga sa hindi siya nakapag- OJT, iyak-tawa raw ang naranasan niya sa trabahong iyon.
Inamin niya na culture shock siya dahil wala siyang experience bilang chef.
Pinaglaruan siya ng mga kapwa Pilipino na inu-utos-utosan siya dahil nga komo alam na dati siyang artista.
Pero okay lang daw ‘yun kay Marcus kasi ganoon daw talaga kapag bagong empleyado ka doon.
Mayroon naman daw mga naging mabait sa kanya na naging kaibigan pa niya. Tinulungan daw siya ng mga ito na ma-survive ang buhay barko.
Pero tinapos lang ni Marcus ang kontrata niya roon at hindi na siya bumalik. After nun sumunod na rin ang ibang work niya bilang chef.
Sa “Rainbow’s Sunset” ginampanan ni Marcus ang papel bilang corrupt na husband ni Aiko Melendez.
“Mabait si Aiko sobra atsaka ang ganda pa rin, mukha siyang mataray kapag hindi mo siya kilala pero pag ano wala kang makikita sa kanya na yabang o star something wala talaga napakabait,” ani Marcus kay Aiko.
Nagbigay din si Marcus ng advise sa mga kabataan na gustong pasukin ang showbiz: “Ang showbiz hindi ito paguwapohan atsaka pagandahan dapat dito may pinakamagandang ugali kasi ang tumatagal sa showbiz kailangan magandang pakikisama sa tao kumbaga kada shooting kada taping ibang tao ang makikita mo atsaka huwag nilang ilalagay sa ulo kung anuman ang narating nila, mas maganda nakalapag pa rin sana ang mga paa nila sa lupa.”
Nagsimula si Marcus as member ng Star Magic Circle Batch 6 sa edad na 14.
Sumikat siya sa paglabas-labas sa mga sexy films noong ‘90s. Kasama sa mga nakapareha niya ay sina Ana Capri, Patricia Javier at Joyce Jimenez.
Para sa kaalaman ng iba happily married na si Marcus at mayroong na silang anak na one-year-old ng kanyang maybahay.
Meron din siyang 13-year-old sa kanyang dating karelasyon. (DANTE A. LAGANA)