HINDI napigilang sumagot ni Beauty Gonzalez sa ilang bashers na nag-comment sa kanyang Instagram post kamakailan kung saan makikitang nakasuot siya ng bikini.
Ayon sa ilang bashers tila sobrang dalas daw mag-post ng hot momma ng halos hubad na mga litrato sa Instagram.
Ani nga ng isa, “Parang last week ka pa hubad ng hubad ah….damit na!”
Ang isa naman tila may pagka-inis na nag-post, “So tired of this woman getting naked all the time especially showing her pasty body.”
Sagot ni Beauty, “ikaw pakita ka naman! Para mag-enjoy 14 followers mo?!? Please?”
Pero tila willing ang dalaga pagbigyan ang mga fans dahil sa sumunod niyang Instagram post ay balot ito ng isang multi-colored dress.
Walang kinomento si Beauty tungkol sa kanyang bashers, pero natuwa ang ilan followers niya sa inasta niya.
“O ayan balot na. Sana matuwa kayo,” sey ng isa.
“Ayan granted na mga hiling ninyo sama manahimik na kayo,” dagdag pa ng isa. (DELIA CUARESMA)