Hello Ms. Rica,
Happy New Year sa inyo! I need your help po. Last Jan. 1, medyo napasarap po ang sexy time namin magboyfriend, at nasobrahan po ata kami sa rough play, dinugo po ako ng marami after (kahit hindi ko naman po first time!). Kailangan ko na po ba pumunta sa doctor? Thank you!
Over The Top
Hello Over The Top,
Normal lang na magkaroon ng slight bleeding during sexual encounter, lalo na kung ito ay first time mo. Pero katulad nga ng sabi mo, dahil hindi ito ang iyong first time with sex, pwede may iba pang dahilan ang iyong pagdurugo.
Whatever the reason is, mas mabuting ikaw ay magpatingin sa doctor para ito ay madiagnose ng maayos at mabigyan ng tamang treatment.
Saan ka ba dinudugo, is it vaginally or anally?
Kung anal ang iyong bleeding, pwedeng ito ay galing sa pagkapunit ng lining ng iyong rectum dahil sa inyong rough play. Kung ikaw ay dinudugo anally, dapat ay mag-abstain ka from future sexual encounters, dahil ito ay nakakapagpataas ng risk ng sexually transmitted infections.
Puwede ring mas ma-damage ang iyong rectal lining kung hindi mo ito pagpapahingahin. So hinay hinay muna.
Kung vaginally naman ang iyong pagdurugo, pwede itong galing sa vaginal dryness o pagkakulang ng lubrication during sex, friction dahil sa inyong rough play, menstruation (baka nagkaron ka?), or iba pang conditions tulad ng pelvic inflammatory disease, sores from STIs, cervicitis, among others. Kaya para malaman ang sanhi ng iyong pagdurugo, (lalo na dahil heavy bleeding mo), mas mabuting pumunta ka na sa iyong doktor at magpacheck-up.
In the future, baka mas makakabuting siguraduhin niyo muna na ikaw ay well-lubricated bago ang kahit anong penetration.
Makakatulong ang foreplay para maging wet at lubricated ang iyong vagina. Kung anally naman ay huwag niyong kalimutan gumamit ng water-based lubricant at condom para maiwasan ang tearing.
Baka rin mas gusto niyong i-try ang mas gentle love making moving forward. Para worry-free at enjoy kayong dalawa! Happy New Year!
With Love and Lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind or DM me at IG and Twitter @_ricacruz.
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.