ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o mala-king problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
* * *
Hi Alex,
Labing-isang taon po ako at madami akong nakulektang aginaldo galing sa mga Ninong at Ninang ko ng nakaraang Pasko. Halos lahat pera kaya kinuha sa akin ng Nanay ko dahil siya na raw ang magtatabi at baka mawala. Gusto ko na sanang kunin dahil may bibilhin ako pero sabi ng Nanay ko, nasa bangko raw. Ilang araw na ako nagtatanong pero laging ang sagot ay na bangko. Bakit ayaw ibigay sa akin ng Nanay ko ang pera ko?
Eunice ng Pasay City
Hi Eunice,
Nang kinuha ng Nanay mo ang pera para itago, hindi niya talaga ito tinago, ginastos niya ito. Sinasabi niya lang sa bangko pero ang totoo, wala na ang pera mo. Kapag nangulit ka pa, sumbat na ang susunod. Subukan mong hingin ang passbook ng bangko at tignan mo, magagalit sa’yo ang Nanay mo at sasabihin na wala kang tiwala sa kanya. Kalimutan mo na ang pera at balang araw, babalik din sa’yo ng Nanay mo yun. Maghihintay ka nga lang ng mahigit sa sampung taon!
* * *
Hi Alex,
Thirty years old po ako, binata at walang girlfriend. May kapit-bahay po ako na crush ko pero sixteen years old pa lang siya. Ang problema, barkada ko ang kuya niya. Gusto ko talaga siyang ligawan pero nahihiya ako dahil sa agwat namin sa edad at dahil sa barkada ko ang kuya niya. Ano ba ang gagawin ko?
Karlo ng San Juan City
Hi Karlo,
Bago mo isipin yung agwat sa edad at barkada mo ang kuya, siguraduhin mo muna na kung magkakagusto sa’yo yung babae. Pinoproblema mo agad yung hindi dapat problemahin. Kapag nalaman mong may gusto sa’yo, yan, saka mo isipin ang agwat at ang kuyang barkada mo. Kasi kapag hindi ka gusto, wala ka ng problema!
* * *
Hi Alex,
May ipis ako na natapakan pero hindi ko naman sinasadya. Wawalisin ko sana pero pagbalik ko, wala na ang ipis. Saan kaya napunta ang ipis?
Leonard ng Alabang
Hi Leonard,
Nagtawag ng kaibigan at kamag-anak para gantihan ka! Magtago ka na dahil parating na sila!
* * *
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007