ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
* * *
Hi Alex,
Mahilig po ako tumingin sa puwet ng mga babae. Binata po ako at walang girlfriend. Bata pa lang ako, nabibighani na ako sa puwet ng mga babae. Gustong gusto ko silang tignan. Kapag nasa mall o kaya naglalakad ako sa daan, kapag nakakita ako ng puwet, napapatigil ako! Work of art sila! Sa office, may mga katrabaho ako na kapag nakapantalon o nakapalda, ang ganda ng mga puwet! Madalas din ako managinip ng puwet! Ang hinahanap kong maging girlfriend eh maganda ang puwet! Normal po ba itong nararamdaman ko?
Lordy ng Taguig City
Hi Lordy,
Normal lang yang nararamdaman mo basta wag ka lang manghihipo. Ayos lang yang humahanga ka at tumitingin-tingin. Dapat hindi lang garapal ang tingin mo ha! Baka mamaya, nakatitig ka na, lalapit mo pa yung mukha mo sa puwet! Ayos na yung pasimple! Iba-iba ang talaga ang trip ng tao. Kahit naman mga babae, puwet din ang gusto sa lalake. Ang ibang lalake naman, boobs o legs ang gusto. OK lang yan! Ok din na ang gusto mo sa babae eh yung maganda ang puwet! Ingat ka lang dahil baka ang maging girlfriend mo eh mukhang puwet!
* * *
Hi Alex,
Nagbirthday po ako at ang handa ko po ay pansit lucban ng Buddy at spaghetti ng Amber. Tuwang-tuwa po ang mga bisita ko dahil ang iba gusto ng spaghetti at ang iba, gusto naman pansit! Napansin ko lang, marami namang kumakain ng pansit lucban pero madami ang natira. Sa spaghetti naman, naubos agad ang hotdog! Nagtataka talaga ako! Naranasan niyo rin po ba ito Tito Alex?
Reva ng Pasay City
Hi Reva,
Belated happy birthday sa’yo! Ginutom ako sa kwento mo! Buti naman at naitanong mo yan! Naranasan ko rin yang naranasan mo! Yung pansit lucban ng buddy’s, mahiwaga talaga yan! Kahit anong dami ng kunin mo, hindi nauubos sa bilao! Halos kalahati lang ang mababawas kahit buong baranggay na ang napakain mo! Saka yang spaghetti ng amber, naku, unang nauubos ang hotdog kasi ang lipis ng hiwa! Isang hotdog lang pero napagkasya sa isang bilao! Ang galing ng taga-hiwa niyan!
* * *
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected]
facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007