Hi Ms. Rica,
I need your help. Mag-three years na po kami ng boyfriend ko. At first, sobrang saya po namin, but lately para pong nagiba siya. Kapag nagaaway po kami, nasasaktan na po niya ako physically. Hindi ko na po alam kung kailan ito nagstart pero lately, napapadalas po ang pananakit niya na minsan natatakot na po ako. Pero pagkatapos po ay nag-sosorry siya sa akin at humihingi ng tawad. Sabi niya magbabago na daw po siya and he will seek help, pero hindi po ito nangyayari. Ano pong kailangan kong gawin? Iniisip ko pong makipagbreak na sa kaniya, pero nagdadalawang isip din po ako. Hope you can help me.
Hurt Girl
Hello Hurt Girl,
Thank you for being honest. Nakakatakot nga to be in an abusive relationship. Lalo na kung paulit-ulit ka nang nasasaktan. With that being said, ultimately, the decision to go back to him or to leave him is up to you. Ikaw lang talaga ang makakapagdesisyon nito.
Abusive relationships typically include physical, emotional, and psychological abuse. Hindi lang pisikal na pananakit ang nangyayari, minsan, mayroon ding manipulation at emotional blackmail. Importanteng tignan kung kailan nga ba nag-umpisa ang pang-aabuso niya sayo. Ano ang nangyari na nakapagpabago ng trato niya sayo? Napag-usapan niyo ba kung paano niyo maiiwasan ang mga sitwasyon that lead him to becoming violent? Although sabi mo nga na humihingi siya ng tawad pagkatapos ka niyang saktan, hindi pa rin nito mababago na nasaktan at patuloy ka pa rin niyang sinasaktan kahit na sinasabi niyang magbabago siya.
Totoo nga na kailangan na ng iyong boyfriend ng professional help dahil ang pagkakaroon ng pattern of violence ay isa sa mga pinakamahirap na baguhin sa isang tao. Taon ang binibilang para matigil ng isang tao ang pagiging abusive sa iba. At para mabago ito ay kailangan consistent ang effort niya. Having said that, kailangan ay makita mo kung willing ba talaga siya magbago at mag-exert ng effort towards change and healing.
Sa palagay ko, mas importante na magfocus ka muna sa sarili mo. Kailangan mo rin ng opportunity to heal bago ka magfocus sa ibang tao. Gawin mo kung ano ang sa tingin mong makakatulong at makakabuti sa iyo. Sa ganitong sitwasyon, bigyang halaga ang sarili bago ang iba.
Hope that helps.
With love and lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind
(Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.)