TAONG 1997 pa nang huling magsama sa isang pelikula ang mag-asawang sina Ariel Rivera at Gelli de Belen. Ito ay sa pelikulang “Ikaw Pala Ang Mahal Ko” under Direk Jose Javier Reyes.
Twenty-two years later, muling magsasama in one movie and dalawa. Ito naman ay para sa family comedy na “Ang Sikreto Ng Piso” as directed by Perry Escaño.
Bakit nga ba umabot ng 22 years bago sila magtambal in one movie?
“Siguro dahil kilala kami ng tao na magkaiba ang mga forte o mga ginagawa namin in our individual careers,” say ni Gelli. “Mas identified siguro or mas kilala ako sa industry as a TV host, and si Ariel naman, bilang isang drama actor or kadalasang ginagawa niyang movies ay romance ang tema, ‘di ba?
“So, parang akward rin naman kung gagawa kami ng romance movies? Hahaha! So, nu’ng in-offer sa amin ang movie na ito, nagustuhan naman namin ang story concept dahil pampamilya at comedy naman.”
Nakilala rin si Gelli sa comedy movies noong 1990s, bagama’t nakasungkit rin siya ng Gawad Urian best actress award noon para sa dramang “The Secrets of Sarah Jane” noong 1995.
Pero ‘yun nga, namayagpag ang TV career ni Gelli as a talk show host, samantalang si Ariel naman ay sa dramatic and romance movies.
“Ang weird nga dahil kung iisipin mo, puwede naman kaming gumawa ng movie together, pero wala rin naman kaming nagusutuhan noon sa mga offers,” dagdag ni Gelli, na nagsabing kumportable naman siyang kaeksena ang asawa niya, at inenjoy nila ang shooting ng pelikula.
Iisa rin ang kanilang talent manager, si Boy Abunda, puwede rin silang magsama sa isang comedy movie or TV show, pero tila walang “swak” na proyekto for the two of them.
As for Ariel, first comedy movie nito ang “Ang Sikreto Ng Piso” at first indie film rin niya, kaya aminado siyang nanibago siya at nag-adjust on the set.
“Hindi lang kasi basta comedy ito, dahil may aral rin for the whole family. Sana, ‘yung mga naka-miss sa amin ni Gelli on the big screen, they get to see this one,” aniya.
Mula sa MPJ Entertainment Productions at JPP Dreamworld Productions ang “Ang Sikreto Ng Piso” na showing na sa theaters on Jan. 30.