IT’S almost the love month at inaabangan na ng mga fans ng Pelikulang Pilipino kung ano ang ihahain sa kanila ng movie producers.
Well, nakakasa na sa Feb. 13 ang “Alone/Together” nina Liza Soberano and Enrique Gil na siguradong papatok sa box office, dahil tested na ang LizQuen tandem.
Handog ito ng Black Sheep Productions ng ABS-CBN Films at mahusay rin ang director nito, ang award-winning na si Antoinette Jadaone.
A week before that, sa Feb. 6, magkakasubukan sa takilya ang dalawang pelikulang produced ng major movie outfits of Philippine Cinema – ang Regal Entertainment at ang Viva Films.
Regal has “Elise” na romantic comedy movie starring Enchong Dee at Janine Gutierrez na directed by Joel Ferrer, at ang Viva naman will field “Hanggang Kailan?” na romance drama film naman nina Xian Lim at Louise delos Reyes, directed by Bona Fajardo.
Puwedeng panoorin pareho ng mga romantic film enthusiasts ang “Elise” at “Hanggang Kailan?” pero paano ang ordinary moviegoer (o mag-siyota) na ang budget ay para lamang sa isang sine?
Nagkasama na sa indie film na “Lila” sina Enchong at Janine at finalist ito sa isang indie filmfest, pero horror ito. Iba naman pag mainstream na, romantic comedy movie pa.
Ang bago ay ang Xian-Louise tandem. Na we have a feeling, hindi “bet” ng fans ni Kim Chiu, lalo na ang mga solid Xian-Kim fans!
Very seldom ring mangyari na ang two major film companies like Regal at Viva ay “nagtatapat,” usually ay nagbibigayan sila, or may isang naggi-give way, dahil after all, there are 52 weeks (and playdates) naman sa buong 2019 – pero iba nga pag Pre-Valentine playdate.
Both Xian and Louise ay mga bagong lipat lamang ng Viva Films (as exclusive artists ng Viva Artists Agency) – si Xian coming from being a Kapamilya, at si Louise naman ay from being a Kapuso for many years. Ilang taon na rin ngang walang movie si Louise na siya ang lead actress, ha!
For “Elise,” isa sa nakakaintriga ay ang sinasabing based on true events ang kuwento nito, mula mismo kay Direk Joel na type namin ang filmography, so far.
Sumusubok ang Regal sa tambalang Enchong at Janine, na galing sa magkalabang istasyon sa TV – ang ABS-CBN and GMA, respectively, dahil sa pelikula nga lang nangyayari ito.
At the end of the day, ang panalo sa mga ganitong tapatan ng parehong genre sa iisang playdate ng two major studios ay ang moviegoers in general – dahil may dalawa silang pagpipiliang panoorin.