ITO ang tanong ng marami hinggil sa patuloy na pagpapakita ng sweet-sweetan moments nina Jake Cuenca at Kylie Versoza sa social media.
Magkasama sina Jakee at Kylie sa ABS-CBN show na “Los Bastardos” at base sa mga ritrato nilang naglalabasan sa internet, mukhang “very close” na nga sila.
Nagsimula ang usap tungkol sa kanila noong Disyembre, ito’y matapos mag-post ni Jake ng ritrato nilang dalawa.
Umugong muli ang tsismis nitong Linggo lamang, ng mag-post na naman itong si Jake ng ritrato na kasama si Kylie at tile nagti-twinning sila.
Marami ang tila natuwa sa ritrato kasama na ang ilang celebrity friends nila.
Tanong nga ng model-actor na si Will Devaughn, “Kayo na po, ser?”
“Goals naman,” dagdag ni Jane Oineza, na isa ring cast member ng “Los Bastardos.”
Ang model na si Jodie Tarasek, na kilala ng marami bilang girlfriend ng aktor na si Paulo Avelino, ay humabol pa ng biro. Aniya, “So, um, when’s our double date, Jake?”
Wow, huh?
Kung totoo man ito, ano kaya ang nangyari sa non-showbiz boyfriend ni Kylie?
Nagtatanong lang po. (DELIA CUARESMA)