HINDI isyu kay Sylvia Sanchez kung second choice siya sa pelikulang “Jesusa” na ang original choice ng scriptwriter-director na si Ronaldo Carballo ay walang iba kung hindi ang Superstar, Nora Aunor.
Sa ilang kadahilanan, hindi natuloy ang superstar sa naturang unang proyekto ng OEPM Productions. Diumano, conflict of schedule ang dahilan ni La Aunor.
Sa presscon ng “Jesusa,” nilinaw ni Direk Ronaldo na marami silang hindi napagkasunduan ni Nora kaya naudlot ang kanilang collaboration.
Anyway, good replacement si Sylvia at thankful si Direk Ronaldo sa aktres na tinanggap nito ang project. “Akala ko, hindi ko na magagawa ang pelikula. Salamat, sinagip ako ni Sylvia,” aniya.
Nakiusap naman ang aktres na huwag siyang ikumpara kay Nora Aunor. Aniya, nirerespeto niya ito bilang Superstar. “Pinaghirapan niya ‘yung titulo na ‘yun,” sey niya kay Ate Guy. Dagdag pa niya, “Malaki ang paghanga ko sa kanya. Siya lang ang nag-iisang Nora Aunor. Walang makakapantay sa kanya. Hindi ko pa narating ang narating niya sa industriya. No point of comparison,” wika ni Sylvia.
TOUCHED
Isang player sa “Minute To Win It” ang nagsabing may tinutulungan siyang lola na nagtitinda ng chicharon. Hindi niya ito kaanu-ano, pero nalaman niyang wala na itong pamilya at nag-iisa na lang sa buhay.
Naawa ang player sa lola, kaya kapag nanalo siya sa “MTWI” ay ibabahagi niya rito ang kanyang premyo.
Touched ang host ng game show na si Luis Manzano sa kuwento ng player, kaya sinabihan niya ito na isama o papuntahin si lola sa studio para matulungan din niya.
Really a good man with a big heart si Luis.
GOOD JOB
Hindi naman katakataka kung nakabili ng townhouse si Joshua Garcia. Sa rami ng product endorsements niya ay nakaipon siya ng milyones na ipinambili niya. Idagdag pa rito ang mga nagawa niyang TV shows, pelikula, shows here and abroad at iba pang ka-racketan.
Five years pa lang sa showbiz si Joshua at kahanga-hanga ang ginagawa niyang pag-iipon ng perang kinikita niya para sa mga pinaplano niyang investments. Good job!