ANO ba naman itong sina Jessy Mendiola at Luis Manzano? Aba’y tila hindi matigil sa pakikipagbangayan sa mga netizens.
Nauuyam na nga sa kanila ang ibang fans. Bansag nga ng ilan sa dalawa ay “Patola Couple.” Meron naman iba ang tawag sa kanila ay “Toxic Couple.”
Hindi namin maintindihan kung bakit ngitngit ang mga fans sa dalawang ito na madalas nilang targetin sa social media.
Ito namang si Jessy at Luis, ayawa tumigil sa kakapatol!
Ito ngang huli ay pinatulan na naman ng dalawa ang ilang mga netizens na tila inip na inip na sa kanilang kasal.
Nagsimula ito sa isang vlog na pinost ni Jessy kung saan tinanong niya ang kapatid kung feeling ba niya ay magkakatuluyan sila ni Luis.
Dito na umariba ang ilang netizens.
Ayon sa isa, “Ayaw kasi syang pakasalan ni Luis, kung pakakasalan yan matagal na sana.”
Sagot naman ng isa, “Korek! Wag kna umasa @senorita_jessy kc kung talagang mahal ka nyan ayain kn magpakasal.”
Sabay na niresbakan ng magjowa ang mga walang magawang netizen.
Ani Jessy, “Wow kayo pala ang mag determine sa kasal ng ibang tao. Kakaiba, mas marunong pa kayo sa mismong nasa relasyon.”
Hirit naman ni Luis, “So dapat kami mag aadjust sa time table na gusto niyo? Hahahahaha, yung totoo sana… yung kabobohan niyo namana ba yan o sa inyo nagsimula yan?”
Aray naman! (DELIA CUARESMA)