NAKAKUWENTUHAN namin recently ang isang source from a known network at naibahagi niya ang mga artista na nakakasama niya kapag bumibiyahe o habang nasa loob ng sasakyan.
Sa mga naikuwento niya na mention niya ang dalawang aktor na kahanga-hanga diumano ang asta nang kanya itong makasama sa loob ng sasakyan.
Ang siste pala, kapag alam nilang imo-mob o pagkakaguluhan ang kasama nilang artista ang ginagawa nila nilalanse nila ang mga tao, pasasakayin nila sa ibang sasakyan ang mga sikat na artista. Nang sa ganoon ma-divert ang pansin ng mga tagahanga sa ibang sasakyan.
Natanong namin ang source kung sino sa mga artista na ang kusang bumababa ng sasakyan upang makadaupang palad ang kanilang mga tagahanga na todo habol sa kanila. Tanging yung dalawang sikat na aktor ang nasambit ng source.
Minsang nangyari daw iyon bumaba raw talaga ng sasakyan ang dalawang aktor at kusang nagpapicture sa tagahanga nila.
Sikat ang dalawang aktor na ito pero nakakatuwa ang ginawa nilang pagbaba ng sasakyan dagdag pa ng source.
Oo nga naman kasi kalimitan sa mga ilang sikat e kung umasta e ganoon na lang yumayabang, hindi na namamansin at ayaw pang magpapicture – na kung tutuusin e kaya naman sila nasa tuktok ng katanyagan ay dahil din sa mga taong humahanga sa kanila. Tama o mali?
Ang dalawang guwapong aktor ay parehong homegrown acts kumbaga ng kanilang mother network.
Ang unang aktor ay kilala ang clan, anak siya ng aktres na kumakanta kanta at may programa sa pang-umaga.
Ang pangalawang akor ay muntik nang mag-retire sa showbiz at balak nang manirahan na lang sa Amerika for good pero dahil nga pumalo pa rin ang career, tuloy-tuloy ang buhay showbiz niya. (DANTE A. LAGANA)