MAYROONG new look pala itong si Xian Lim para sa kanyang bagong pelikula.
Pinakita niya ito sa Instagram sa pamamagitan ng pag-post ng bago niyang larawan.
Dito, makikita ang aktor na may balbas at bigote.
Actually, naalala namin ang look ni Sylvester Stallone para sa pelikul niya noon na “Cobra.”
In any case, marami sa kanyang followers ang natuwa sa kanyang bagong look.
Ika nga ng isa ay very “rugged” daw ang datingan ng binata.
Sa caption, pinakilala ni Xian si Joachim, ang bago niyang gagampanang karakter na sa pelikulang may pamagat na “Untrue.”
Busy siya ngayon sa shooting ng naturang pelikula sa Tbilisi, Georgia.
Kasama nga pala ni Xian sa pelikula si Cristine Reyes na katulad niya ay nag-introduce din ng bagong look via social media kamakailan.
Matingkad na pula ang kulay ng buhok ngayon ni Cristine. Pinaigsian niya rin ito.
May kinalaman kaya ito sa pelikula o sa balitang hiwalayan nila ng asawang si Ali Khatibi?
Just asking! (DELIA CUARESMA)