Hi Ms. Rica,
Avid reader po ako ng column ninyo dahil madami po akong natututunan.Tanong ko lang po, pwede po bang mabuntis kung hindi lahat ng sperm ay naipasok. Kasi po after sex, umihi po siya at tumalon-talon, pero meron pa rin pong nakapasok. Puwede po ba siyang mabuntis?
JumpMan
Hello JumpMan,
Maraming salamat sa pagbabasa ng column.
Natutuwa ako at madami kang natututunan tungkol sa sex sa pamamagitan ng pagbabasa ng column ko.
To answer your question, puwedeng mabuntis ang babae kahit hindi lahat ng sperm ay naipasok sa kanya. Hindi totoo na nakaka-avoid ng pagiging buntis ang pagihi o pagtalon pagkatapos ng sexy time.
Basta’t may sperm na pumasok sa vagina ng babae ay may chance na mabuntis ito. Bakit? Though it takes five minutes for a sperm to travel six hours once inside the vagina, mabilis ang paglabas nito sa katawan ng lalake (mga 45 kilometers per hour).
At bawat millileter ng iyong semen ay may lamang 100 to 200 million sperm. Sa milyon milyon na ito, iisa lang ang kailangan para mabuntis ang babae. Isa lang.
So kahit may lumabas na sperm kapag umihi at tumalon ang babae, mayroon pa ring matitira sa loob na puwedeng makafertilize ng egg.
Para makasiguradong hindi siya mabubuntis, baka mas makakabubuting gumamit kayo ng birth-control. Puwedeng condom, puwedeng pills, puwedeng injectibles, pwedeng IUD.
Madaming pang ibang paraan para mapigilan ang pagbubuntis and at the same time, nakakapag-sexy time pa rin kayo at na-eenjoy ang isa’t isa. Kung gusto mo ng tulong, puwede kayo pumunta sa health center at makakakuha kayo ng impormasyon doon.
Good luck!
With Love and Lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind or DM me at IG and Twitter @_ricacruz.
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.