HINDI magpapatalo sa kanyang mga sexy co-star sa “Bubble Gang” ang hot mama na si Chariz Solomon pagdating sa paseksihan.
Sa latest na mga naging post ni Chariz sa Instagram kamakailan, todo pose ito wearing a sexy bikini.
May pinost din si Chariz na super workout siya at kitang-kita ang kanyang well-toned muscles.
Kahit na dalawa na ang mga anak ni Chariz, hindi ito nagpabaya sa kanyang katawan.
Buti naman dahil paseksihan talaga ang mga babae sa “Bubble Gang” tulad nila Andrea Torres, Kim Domingo, Valeen Montenegro at Lovely Abella na mga wala ring takot na ilantad ang kanilang mga assets sa social media.
May nagsabi nga na bawal ang maging losyang kapag isa ka sa mga “Bubble Gang” girls.
Pinatunayan nga ito ni Chariz. (RUEL J. MENDOZA)