Hi Ms. Rica,
Nakakita po ako ng mga commercial ng penis pumps. Totoo ba yun? Paano ba sila gumagana? Kung gumamit ako, may mga side effects ba? At totoo po bang pinapatagal nito ang erection pati ang orgasm?
Pump Chump
Hello Pump Chump,
Good job ka sa pagtatanong muna bago bumili at gumamit. Totoong ang mga penis pumps ay ginagamit to help create and maintain erections, pero for a short period of time lang.
Ang mga pump na ito ay para sa mga may erectile dysfunction (o mga lalaking nahihirapang magpatayo ng ari).
May cylindrical plastic na lalagyan ang pump na nilalagay sa ibabaw ng ari. Tapos ay nagccreate ng vacuum ang pump (manual o electrical) na nagdraw ng blood from the penis at pinapatigas ito. Kapag matigas na ang ari, may rubber constriction na inilalagay sa base nito para mamaintain ang erection during sexy time.
Contrary to what the commercial says, hindi kayang palakihin ng penis pump ang ari more than your usual size. Tumutulong lang ito para patigasin ang iyong mojo. Hindi rin nito napipigilan ang paglabas ng iyong ejaculate. So hindi rin nito kayang patagalin ang iyong orgasm.
Before you experiment with penis pumps, importante na alam mong nakaka-damage ito ng ari kapag ginamit for extended periods of time. Puwede kang magkaroon ng tissue injury, trauma, at infection. Puwede rin itong makasama kung mayroon kang kondisyon sa dugo katulad ng sickle cell anemia.
Kung ang hinahanap mo lang ay mga pwedeng magpalaki ng iyong ari, hindi ito nirerekomenda. Bakit mo ba kailangan magpalaki? Usually, ang mga taong gustong may mas malaking ari ay mayroon nang normal sized penis at hindi na kailangan palakihin pa.
Walang scientific and evidence-based na madaling proseso para makapagpalaki ng ari. Sa totoo lang, hindi talaga inirerekomenda ang pagpapalaki ng ari dahil mas malaki ang chance na makasama ito sa iyong kalusugan kaysa makapagpabuti.
Kung ang iyong problema ay ang kasiyahan ng partner mo, baka mas mabuting tanungin mo siya kung hindi ba siya nasisiyahan sa performance mo. Kung gusto pa niyang mas masarapan, may iba’t iba pang paraan para makamit ito. Mag-experiment kayo para malaman niyo dahil ultimately, hindi kailangan ng malaking ari para magkaroon ng satisfying na sex life.
Sana nakatulong!
With Love and Lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind or DM me at IG and Twitter @_ricacruz.
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.