DUMAGDAG sa mabibigat na issue ngayon kay Kris Aquino ang gawin siyang katatawanan ng senatorial candidate na si Bong Go sa isang campaign sortie nito sa Davao.
Ang mas masakit pa raw rito ay involved sa joke ang ama ng panganay niyang si Joshua na si Phillip Salvador.
Pinost ni Kris ang video na iyon ni Bong Go at ang words na “Niloko Mo Nga Si Kris Aquino” sa kanyang Instagram account. Aniya sa mahabang caption niya: “So much hurt deeply in the past few days. I was shown this video while in Japan and had actually reached out to Senatorial Candidate Bong Go because turo ng Dad ko- panindigan mo na good sport ka… I was doing a #konmari on my phone & lumabas yung video…pinanuod ko ulit.
Patuloy niya, “Yun ang pagkakamali ko, may black eye nung Friday, napangahan ng Tuesday tapos nakita ulit na punchline ako sa campaign sortie at pinagtatawanan dahil nga ‘naloko’ ako.
“Wala po akong atraso sa inyo SAP BONGGO. I have only had good words for you pero sana sa paglilingkod nyo para sa mga Pilipino bilang Senador (I know you are a SURE WINNER), sana priority nyo rin po ang mga kababaihan.
“Kris Aquino na ko pero madaling gawing ‘joke’ na ‘naloko’ ako ng ama ng panganay ko. Nagtrabaho ako, at hindi ako pinabayaan ng pamilya ko. But what about the women without financial security & family?
“Sorry ha- minalas- nandun kasi yung ‘NALOKO’… nakadapa na po, nung pinanuod ulit at narinig yung tawanan ng audience, isa pang sampal sa taong umaamin, matatalo sya.”
Bago ang IGpost na ito, nauna nang mag-post ng isang video si Kris na directly addressed kay Ipe.
“It really hurt. The hurt there comes from being made a joke of. And I am not blaming Bong Go. This is on you, Phillip Salvador. Tatay ka ni Josh.
“I was 23 years old when the relationship started. How many times did I hear, ‘Naka isa si Ipe,’ ‘Siya ang naka una kay Kris’? Yes, totoo ‘yon, I was a virgin, and I got pregnant, and I left my family. I chose him.
“I deserve that. I made the mistake of falling for you. I made the mistake of loving you. You did not love me. Because had you loved me, 20 years after, hindi ako magiging biro sa isang skit sa bawat entabladong inaakyat mo.
“Pero sana man lang, ‘yung bata na minahal ka… Sana man lang siya, naisip mo, dahil kadugo mo siya, e.
“Who cares about Kris Aquino? You don’t have to care about me, but you should care about Joshua, because that child never hurt you. And to this day, that child says mahal ka niya.”