Hi Ms. Rica:
Gusto po ng boyfriend ko na gawin namin from behind. Totoo po ba na kapag nakipag-anal ay lalaki ang butas sa likod? Magkaka-LBM po ba ako? Masakit po ba ito? Ano po ang kailangan gawin para hindi maging masakit?
Back Girl
Hello Back Girl,
Thank you for writing and being honest about having it from behind. Madaming katulad mo na curious din tungkol dito pero hindi nila alam kung saan magtatanong o maghahanap ng tamang impormasyon. Well, here it is!
Unang una, hindi totoo na magkaka loose bowel movement ka or LBM kapag nakipag-anal ka. Hindi rin totoo na luluwag ang iyong opening kapag ginawa mo ito. These are misconceptions na galing sa mga kwento-kwento at negative attitudes towards anal sex. Pero, katulad ng ibang sexual activity, may mga risks na kasama ang pakikipag-anal katulad ng:
– Pagkakaroon ng infection.
– Pagkasugat ng anus (lalo na kung rough ang penetration).
– Spread of bacteria from anus to vagina (if you’ll have vaginal penetration after).
– Pagspread ng sexually transmitted infections katulad ng HPV na pwedeng makasanhi ng cancer.
Bukod pa dito, ang lining ng anus ay mas sensitive kaysa sa vaginal canal, ito rin ay hindi naturally as lubricated kaya friction from the penetration could be a problem. Minsan masakit talaga siya.
Para maiwasan magkaproblema from anal kailangan ay:
– Relax ka lang para hindi maconstrict ang iyong anal opening.
– Ask your partner to do it slowly and gently.
– Gumamit ng lubricated na condom.
– Gumamit ng water-based lubricant to lessen the pain.
Aside from these things, importante din na hindi mo ipasok sa iyong vaginal area ang ari na galing sa anus nang hindi nagpapalit ng condom o naglilinis ng penis. Ito ay para makaiwas sa sakit na dala ng pagkakaroon ng dumi sa iyong vagina, katulad ng UTI.
Importante rin na maingat ka sa mga ipapasok sa iyong anus, dahil ito ay madaling mapunit at magkasugat. Kapag ito ay nagkasugat, mas madali kang mahahawaan ng sexually transmitted infections tulad ng HIV.
Bukod pa dito, may mga cases na nagsasabing nakakapagpasakit ng hemorrhoids o almoranas ang pakikipag-anal. Ouch!
So kung gusto mo magexperiment ith anal sex with your boyfriend, ang mga ito ang kailangan mo i-consider. Tandaan na sa kahit anong sexual activity, it’s better to be safe and prepared so you can enjoy and not worry! Good luck!
With love and lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, follow me on Twitter and Instagram: @_ricacruz and www.facebook.com/TheSexyMind
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist and Sex Therapist. She comes out as the Resident Sex Therapist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.