MAY international movie palang ginawa si Heart Evangelista. Hindi lang niya binanggit kung ano’ng title nito, kung ano’ng role niya at kung sinu-sino ang mga kasama niya.
Wish ni Heart na maipalabas sa ating bansa ang naturang international movie. May gagawin pa raw siyang isang international movie at nakatakda siyang umalis papuntang USA.
Tanong ng kanyang fans and followers, kailan naman kaya nila muling mapapanood si Heart sa isang GMA series? Kung tama kami, huli siyang napanood sa “My Korean Jagiya” with Korean singer-actor Alexander Lee.
Kung hindi pala nagkaroon ng miscarriage si Heart, naipanganak na sana niya last month ang twins (or triplets ba?) nila ng husband niyang si Senator Chiz Escudero. Mommy na sana siya.
SUPORTADO
All-out support ang GMA Network sa bagong project ni Bianca Umali, ang “Sahaya.” Malaki ang budget nito sa costumes ng buong cast, production design, location shoot na sadyang nagpagawa pa ang Kapuso Network ng set na parang isang community ng mga Badjao.
Isang Badjao girl ang role ni Bianca na mukhang ipinu-push ang career niya. Marami ang nagsasabing siya na ang next important star ng GMA7. Puwede naman dahil star material si Bianca. Mag-focus lang sana siya sa kanyang career at huwag muna siyang mag-seryoso sa lovelife. Carry kaya niya ‘yun?
Kahit nagbida na si Bianca sa mga ginawa niyang teleserye sa GMA, masasabing ang “Sahaya” ang biggest project ever niya. Super thankful siya sa GMA na sa kanya ipinagkatiwala ang magandang role bilang Sahaya.
Si Miguel Tanfelix ang leading man ni Bianca na suportado pa rin ng network ang kanilang love team. Sa March 18 na ang pilot telecast ng “Sahaya.”
KAPAMILYA NA
Present sa 92nd birthday celebration ni Mang Ramon Revilla ang bagong girlfriend ni Vice-governor Jolo Revilla na si Angelica Alita. Ayon sa ilang entertainment writers na invited sa naturang affair na ginanap sa mansion ng mga Revilla sa Imus, Cavite, feeling kapamilya na si Angelica at komportable na ito. Kasama ito sa family photo.
Mukha naman daw okey ang GF ni VG Jolo sa anak nitong si Gab. May kasalan na kayang aabangan?