TILA hindi ‘magpapatibag’ itong baguhang rockstar kuno na si JK Labajo.
Imbes na magpakumbaba sa kabila ng samu’t-saring isyu na binabato sa kanya ay lalo pang nagmamatigas at pinaninindigan ang kanyang rebel-type image.
Nag-ugat ang lahat ng ito ng murahin niya ang isang concertgoer na panay ‘I love you, Darren’ habang ipinipakilala niya ang mga ka-banda. Well, kung tutuusin may karapatan namang mainis si JK sapagka’t show niya iyon at halata namang nagpapapansin lang ang fan.
Ngunit sa kabilang banda, katulad nga ng sabi ni Teddy Corpuz sa isang panayam ay hindi “cool” ang pagmumura at “dapat respetuhin mo ang mga fans kung gusto mong respetuhin ka nila.”
Speaking of Teddy, ito nga ang latest sa whole cursing brouhaha na ito.
Nang maglabasan sa mga dyaryo ang opinion ng Rockstar frontman ukol sa isyu, agad na pumalag si JK at sinabing tila minanipula ang mga salita upang ma-i-ugnay sa kanya.
Partikular niyang binanatan ang isang entertainment site.
Aniya, “So I talked to Papi Teddy just now and told me his side of the story. Basically the media doing their media voodoo (*minarapat naming burahin ang mga hindi kaaya-ayang salita) again of asking you a question and then twisting your words,” he wrote.
“So basically pinasama nila ang opinion ni Papi Teddy. Ginawan nila ng paraan para magkaroon ng connection ang sagot ni Teddy sa issue ko. Teddy and I talked to each other and apologized to each other kasi dapat nagmamahalan ang mga rockers. Labyu Papi Teds.”
Walang patumpik-tumpik rin niyang sinalag ang entertainment press.
“I know you media peeps are just doing your job of feeding all these chikas to pakielameros and pakielameras so that they have something to talk about while washing their clothes or having their hair fixed at the salon. (B)ut I wish you guys would just give a little bit of respect to NOT ask a question regarding a different topic to someone’s presscon promoting their movie.
“And also guys, a moral lesson. There (are) always two sides of a story. Or even three. Actually sometimes a lot. But anyways, before you do/say something, always know the context,” ani to.
Well, kayo na lang ang humusga. Tignan natin kung saan aabot si JK… hindi kaya sa ‘Buwan?’
Charot! (DELIA CUARESMA)