Hi Ms. Rica,
Na-devirginize po ako recently, kailangan na po ba ako pumunta sa doktor?
First Timer
Hi First Timer,
Unang una, good job at pinprioritize mo ang iyong sexual health! Hindi mo kailangan hintayin makipag-sex bago pumunta sa doktor. Ang pagpunta sa gynecologist para sa mga screenings at tests ay base sa iyong edad at hindi base sa iyong sexual activity. At sa totoo lang, ang pagpunta sa doktor bago ka pa madivigirnize ay nakakatulong para maiwasan ang biglaang pagkabuntis at pagkahawa sa sexually transmitted infections.
Currently, kapag ikaw ay 13-year-old pataas ay inererekomenda na na ikaw ay magpatingin sa gynecologist. Sa pagpunta mo sa doktor ay paguusapan niyo ang iyong body image, weight, immunizations katulad ng HPV vaccine, birth control na pwede mong gamitin, at STI prevention.
Kapag ikaw ay may 21-years-old na, inererekomenda din ang pagpunta sa doctor para sa pelvic exams at cervical cancer screening. Ang pelvic exams ay usually ginagawa yearly pero ang cancer screening ay depende sa iyong edad at sa rekomendasyon ng iyong doktor.
Ano ang ginagawa during a routine pelvic exam? These exams include both an external and an internal exam. Titignan ng doktor ang iyong vulva, clitoris, at vaginal opening. Pagkatapos nito ay gagamit siya ng speculum para makita ang loob ng iyong vagina. Ang speculum ay isang instrument to hold your vaginal walls apart. Pwede maging uncomfortable at nakakapanibago ang exam na ito kaya importante na relax ka lang.
I-examine ng doctor ang iyong vaginal walls for any lesions, inflammations, or mga di normal na discharge. Bukod dito, titignan din niya ang iyong cervix for any irregularities. Kukuha din siya ng sample cells from your cervix para sa iyong Pap test. Pwede kang makaramdam ng cramping during this part.
Ang cells na nakuha ay itetest for abnormal cell growth at isscreen for cervical cancer. HPV ang pangunahing rason for abnormal cell growth. Ipapaliwanag sa iyo ng iyong doktor ang puwedeng gawin kung sakaling iinconclusive or abnormal ang test results mo.
May iba’t ibang test pa na pwedeng ibigay sa iyo ang iyong doktor depende sa anong gusto mong malaman – tulad ng pregnancy test, STI tests, at tests for your vaginal discharge.
Kapag pumunta ka sa iyong doktor ay huwag kang mahiya o matakot na sabihin sa kaniya ang iyong sexual activities or kung mayroon ka mang iba pang concern. Confidential ang mga ito at hindi niya ipagsasabi sa iba. Rest assured na he/she will look after your sexual health as you explore and know more about your body. Good luck!
With Love and Lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind or DM me at IG and Twitter @_ricacruz.
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.